Onin

Nandito nanaman po tayo. Nostalgia sa panahong hindi pa ako buhay. 80’s pare. Putanginang Donnie Darko to eh. Putanginang Richard Kelly to, eh. Putanginang soundtrack! Swak na swak sa nostalgia na pinapalibutan ng Mullet ni Aga Muhlach at Janice de Belen. Oo, pareho silang mullet-haired. Tangina, no?

Nakikita ko na ang future, mehn. Malabo siya ng todo, pero dahil ako ang tumitingin… lumilinaw bawat segundo. ‘Pag natapos nating panuorin tong bwakanang Donnie Darko na ‘to, kukunin ko yung DVD ko ng Bagets. Isasalpak mo, titignan natin yung Special Features, pagtatawanan muna si Aga Muhlach kasi nakakatawa siya ngayon. Nilipat ko muna mula sa “video” hanggang sa “TV” mode yung TV mo. Gusto kong makita kung ga’no nakakatawa si Aga Muhlach ngayon na me kasama nanamang batang chicks. Chicks, what a man you are, Aga.

‘Tapos non, babalik ko na yung TV sa “video” mode at itutuloy na natin ang ating trip back to memory lane papunta sa hindot na 80’s.

“May DVD ka niyan?” Tanong ng nanay ko sa’kin.

“Ng alin?” Wow, rebelious act na pa-angst, pare.

“The Blue Lagoon,” sabay turo sa nakadikit na maliit na poster nung pelikula. Si Christopher Atkins at Brooke Shields pare, dahon lang ang damit! ‘Tas sobrang tantilizing nung titles pare… “The Blue Lagoon”

“Pinanuod pa namin ng tatay mo yan sa sine eh. Luneta Cinema. 198–anong taon nga ba yon?”

Nakalimutan kong kahit saglit nga din pala ay nagsama ang aking mga magulang. Bago pa sila mag-kahiwalay ng ilang taon, lumabas pa rin sila noon at nanuod ng The Blue Lagoon… Sa Luneta Cinema. Ayossss.

Balik sa Bagets (at sa aking view of the future.)

Pagka-bukas ng mata ko pare, naka-pause na lang yung Bagets at humihilik ka na. Ginising kita. Puta, mehn. Hindi ko na kayang maging nostalgic sa 80’s. Hindi naman tayo buhay non, pare! Wala naman tayong pakielam non.

“So, anong isa-suggest mo?” nagtanong ka.

“Labas mo VHS player mo.”

Sinalpak mo ang VHS sa TV. Sinalpak ko ang VHS na dala ko. At yon, ang nagsimula sa nostalgia ay nauwi sa:

“If only I could turn back time… If only I had said what I still hide…”

Leave a Reply