Carlos/Nina
Nina: Putangina naman, Carlos. Kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo pero puro “cannot be reached.”
Carlos: Teka, may naisip kasi ako na talagang kanina ko pa iniisip. Yung tipong hindi ko talaga mapigilang isipin kasi talagang stuck siya sa utak ko eh. Sobrang nandun, eh. Nakaka-sabog nga eh, parang natuturete ako na hindi ko maintindihan.
[tahimik]
Carlos: Puta. Ganito. Naglalakad ako kanina, tapos hindi ko naman talaga alam kung san ako pupunta. Pero. Basta, ayon, lakad lang ako ng lakad. Walang tigil talaga. Para akong adik pero wala naman akong hinithit, tinusok, o tinira. Basta, sobrang balisa lang.
[tahimik]
Carlos: Hindi ko alam kung global warming ba ‘to, o ano. Pero, mehn. Umulan bigla. Hindi yung, “Ay, puta… ambon lang ako! La-la-la.” Malakas siya eh. Tipong: “PUTANGINA KA! ULAN AKO! TANDAAN MO, HINDOT KA! ULAN AKO!”
[tahimik]
Nina: Teka, nagsasalita yung ulan?
Carlos: Oo, galing no? Asan na ba tayo? Ayon. Nung narinig ko na yung “thundercla–
Nina: Naks, english.
Carlos: Oo. Nung narinig ko na yung “thunderclaps” nagulantang talaga ako. Kasi talagang galit sakin yung ulan. Galit sakin yung putanginang ulan na yon. Galit siya eh, galit talaga. Dun ko na naisip.
[tahimik]
Nina: Na?
[tahimik]
Carlos: Alagad ni Mother Nature ang Ulan.
[tahimik]
Nina: Wow.
[tahimik]
Carlos: Parang gago, no?
Nina: Kailangan ko ba talagang kumpirmahin?
[tahimik]
Carlos: Tapos, ayon. Alagad ni Mother Nature si Ulan. Tapos, sa kanilang “Circle of the Friends of the Mother Nature” nakasalalay ang kinabukasan ng mundo. Isipin mo, kapag naturete sila, kapag nag-berserk ang “Circle of the Friends of the Mother Nature,” sobrang sabog tayo. Sobrang wala.
[tahimik]
Carlos: So, kaya nandiyan ang “Circle of the Friends of the Mother Nature,” kasi sila ang “warning” sa atin ni Mother Nature. Parang farfetched, or what… Pero talagang, ano eh–bumubulusok sa utak ko yang mga “thoughts” na yan. Kanina pa, seryoso.
[tahimik]
[biglang ambon]
Carlos: Naniniwala ka na ba?